Live-in partner, wanted | BEBOT NATAGPUANG PATAY SA APARTMENT

PINAGHAHANAP ang isang security guard matapos matagpuang patay sa loob ng tinutuluyan nilang apartment ang 22-anyos niyang live-in partner sa Silang, Cavite.
Alas-6:50 ng umaga nang matagpuan sa loob ng Cusipag Apartment, Purok 2, Bgy. Inchican, ang duguang bangkay ni Mary Joy Anayan, 22, call center agent at kasalukuyang nakatira sa naturang apartment.
Pinaghahanap naman ang posible umanong suspek sa krimen na live-in partner nitong si Radnie Macauling Sausa, 30, security guard.
Lagi umanong nag-aaway ang biktima at suspek dahil sa selos kaya ito ang tinitingnang anggulo sa krimen.





Comments