top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Korona sa CBA U18 sa binangonan na ba?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2019
  • 1 min read

DAHIL kanila ang ‘home­­ court’ sinamantala ito ng Bi­na­ngonan para maungusan ang Caloocan, 76-72, nitong Sabado sa Game 1 ng Community Basketball Association (CBA) 18-under basketball championship sa jampacked Binangonan Plaza basketball court.

Inangkin ng host team, sa pangunguna nina Reynald Yante, Christian Angeles at Kerby Villaluna ang krusyal na sandali para mabigyan ng kasiyahan ang home crowd mula simula hanggang sa final buzzer. Pakay ng Bina­ngonan na makopo ang titulo sa paglarga ng Game 2 ng best-of-three title series sa Imus, Cavite sa Sabado. Lu­ma­gare si Yante na may game-high 22 pun­tos, tampok ang pressure-packed free throws para makaabante ang Spartans sa 75-72 may 18 segun­do ang nalalabi.

Nakagawa si Angeles ng 14 puntos, habang kumana si Villaluna ng 12, kabilang ang back-to-back baskets na nagbigay sa Spartans ng 71-67 bentahe.

Nakapagbahagi ang 6-foot-5 center na si Alex Teruel sa depensa at rebounds para mailapit ang Spartans sa kasaysayan bilang unang kampeon sa grassroots sports development program ng CBA sa pamumuno ng actor/director na si Carlo Maceda, sa pakikipagtulu­ngan ng TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports).

Nanguna si John Sheric Estrada sa Saints na may 21 puntos, 10 rebounds at 7 assists, kasunod si Suma­gaysay na may 15 puntos at 9 rebounds. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page