Pangit pero wagas manlait, sakit ng ulo ng klasmeyt
- ROMA AMOR
- Sep 3, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Tawagin mo na lang akong Shermay. May kaklase akong sobrang arte, maya’t maya siya kung mag-make-up, pero wala namang pagbabago sa hitsura niya, pangit pa rin siya. Pero, kung makapanlait siya ng iba, wagas! Paano ba dapat komprontahin ang mga mapanlait na tao? — Shermay
Shermay,
Mahirap makisama sa taong mapanlait, lalo na kung nasa punto na siya na hindi na niya nakikita ang positibong bagay sa iba at puro kagandahan ng kanyang sarili ang nakikita niya. Ang ganitong uri ng mga tao ay hindi kaagad nakatatanggap ng mga negatibong komento ng iba tungkol sa kanila. Hindi mo siya dapat komprontahin. Kung lumapit siya sa iyo at saka nanghingi ng payo, roon mo lang siya dapat kausapin. Kung kakausapin mo kasi siya sa panahong hindi niya gustong marinig ang anumang nais mong sabihin, mamasamain lang niya ang lahat ng mga salitang manggagaling sa iyo. Palagi mong tatandaan na the best pa rin ang self-realization.





Comments