Mga tsekwang namemerhuwisyo sa mga condo, gumagala pa
- BULGAR

- Sep 3, 2019
- 2 min read
MGA ka-BULGAR, alam n’yo ba ang “ding-dong”? May doorbell ba ang inyong bahay? Ito‘yung ginagamit para malaman ninyo kapag mayroon kayong dumating na bisita.
Ito ngayon ang modus ng pinaniniwalaang grupo ng mga Tsekwa kung saan sa kasarapan ng tulog ng mga taong-bahay, umaatake sila para mang-bully o mamerhuwisyo.
Walang pinipili ang dalawang demonyong suspek na paborito nilang biktimahin ay ang mga nakatira sa condominium.
Ayon sa impormasyon na ating nakalap, minalas ang dalawang hinayupak na suspek dahil parak ang nabiktima nila kung saan tatlong beses pinatunog ng mga walanghiyang ito ang unit ng pulis kaya sa kagustuhan nitong mahuli ang mga suspek ay binantayan at inabangan ang mga ito na sa madaling-araw gumagala.
Ang modus ay tinitiyempuhan ng mga pasaway ang mahimbing sa pagkakatulog ng mga biktima at dito pipindutin nang tatlong ulit ang doorbell at pagkatapos ay agad tatakbo at magtatago. Layunin ng gawaing ito na perhuwisyuhin lamang ang mga biktima.
Dahil pulis ang nabiktima, natural na pinangangalagaan nito ang katahimikan ng lugar kung saan halos lahat ng pintuan ng condo ay nabulabog sa kalaliman ng gabi kaya hindi na pinalampas ni Capt. Francisco Cruz, hepe ng MPD-GAIS, at agad nagtalaga ng crack team.
Sa pangunguna nina PEMS James Poso, PSSg. Raphael Rodriguez at PSSg. Dean Mark Regala, agad nasakote ang dalawang suspek na sina Jie Zai alyas Qun Jun Jie at Xioa Bo alyas Yin Xue Quan na ayon kay PSMS Byron Orate, may hawak ng kaso, ang mga suspek ay naaktuhang paulit-ulit na pinatutunog ang doorbell ng mga biktima kaya agad sinunggaban nina PSMS Marlon Satairapan at PCpl. Cyril Azarcon at naaresto ang dalawang dorobo, ayon na rin sa reklamo ng mga biktima.
Perhuwisyo talaga ang ginagawa ng mga Tsekwang ito na sandamakmak na sa ating bansa kung saan paano sila dumami nang ganito sa Pilipinas?
Ikaw kaibigan, ano ang sey mo?
Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!
Mas ligtas ang may alam!
Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!





Comments