top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

D'yan no, no, no talaga dapat… SINGER-ACTOR NA BINANATAN NOON SA SOCMED ANG NETWORK, BANNED, OUT

Nitz Miralles
Sep 3, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

TOTOO palang banned ang singer-actor (SA) sa isang network dahil sa cast ng pelikulang kasama si SA, siya lang ang hindi nakapag-promote sa mga shows nito.

Ang mga kasama ni SA sa pelikula, nakapag-guest sa mga shows ng network at may interview pa sa isang talk show. Pero si SA, hindi naimbita. Narinig namin na banned pala talaga siya dahil siguro sa rant niya noong nakaraan tungkol sa hindi pagsama sa kanya sa isang big event ng network na sama-sama lahat ang talents.

Binisita namin ang social media account ni SA, wala siyang nabanggit sa hindi pag-iimbita sa kanya to promote their movie na malapit na ang showing. Nagpapaka-positive na lang siguro ang aktor dahil malapit na ang showing ng pelikula na kasama siya. Hindi na rin niya sinasagot ang tanong ng mga followers niya kung bakit hindi siya nakapag-promote ng pelikula niya sa nasabing network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page