Driver, tinepok ng armado
Pabs Hernandez III
Sep 3, 2019
1 min read
QUEZON—Patay ang tricycle driver nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Silang, Buenavista.
Ang biktima ay nakilalang si Alberto Mendoza, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Mendoza ang kanyang tricycle ay biglang sumakay ang suspek at saka pinagbabaril ang biktima sa hindi malamang dahilan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.





Comments