top of page
Pokwang.jpg

BRT sumisip, nandurog, top seed na sa d-league

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3, 2019
1 min read

NAKOPO ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare ang top seed sa Group B matapos durugin ang Black Mamba, 161-122, kahapon sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.Pinangunahan ng Malian big man nilang si Mohammed Pare ang Saints sa ipinoste nitong 31 puntos at 19 rebounds.Sa nasabing panalo, naitala ng BRT Sumisip-St. Clare ang most points sa league history sa itinala nilang 161, na bumura sa dating 144 na itinakda ng Hyperwash sa panalo nila kontra McDavid-La Salle Araneta noong Agosto 19.

Ang itinalang 95-puntos ng Saints sa second half ay bunura sa dating 83 puntos na itinala ng Tanduay sa 141-65 na panalo nila sa Zark’s noong Hulyo 10, 2017, habang pinantayan ng kanilang 53 puntos sa fourth quarter ang itinala ng Rhum Masters na third quarter output sa 113-71 panalo nito kontra Gamboa Coffee noong Hunyo 27, 2017 para sa most in points in a single period. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page