top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

10PM-4AM curfew, anak pagala-gala | MAGULANG, KULONG!

  • Mylene Alfonso
  • Sep 3, 2019
  • 1 min read

SINIMULAN nang ipatupad ng Lungsod ng Maynila ang ordinansa sa curfew ka­sabay ng babala sa mga magulang na ma­parurusahan sakaling lumabag dito.

Batay sa Ordinance No. 8547, itinatakda ang curfew hours sa siyudad mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Ang istriktong pagpapatupad sa curfew hour sa mga menor-de-edad ay iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno matapos ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen sa Delpan dahil sa mga nagra-riot na kabataan.

Posibleng maparusahan ang mga lalabag sa ordi­nansa na mga magulang mula 17-anyos pababa, depen­de sa edad ng mga kabataan.

Nabatid na ang edad 12 pababa ay may penalty na P5,000 o pagkakakulong nang anim na buwan.

Habang ang 13-14 anyos ay may multa na P3,000 o parusang kulong na hanggang tatlong buwan.

Samantala, ang 15-17 na edad ay may P2,000 multa o hanggang isang buwan na pagkakakulong.

Kaugnay nito, inatasan ni Moreno ang Manila Police District (MPD) na hanapin at arestuhin ang mga supplier ng solvent sa mga batang lansangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page