Winwyn, ipinagpalit agad, never nang babalikan… MARK, PROUD NA PROUD AT GUSTO NANG PAKASALAN SI NICO
- BULGAR

- Sep 2, 2019
- 1 min read

HINDI na itinago sa publiko ng Kapuso actor na si Mark Herras ang bago niyang nobya na si Nicole Donesa na nag-aartista rin at nakasama niya sa isang serye ng GMA-7. Nasa cast din ng Descendants of the Sun si Nicole.
Proud na proud si Mark sa bago niyang GF at mukhang seryoso na ito at gusto na talagang pakasalan si Nicole.
Balak din ng GF ni Mark na isama ang aktor sa Amerika upang makilala na ng kanyang parents. Sa U.S.A. naka-based ang partidos ni Nicole.
Dahil nga sa paglalantad ni Mark sa bago niyang karelasyon, nag-react ang mga fans nila ng ex-GF niyang si Winwyn Marquez. Mas nauna at mas mabilis daw palang naka-move on si Mark sa breakup nila ng dalaga nina Alma Moreno at Joey Marquez at nakakuha agad ng kapalit ni Winwyn. Ang akala pa naman ng kanilang mga kaibigan ay may chance pang magkabalikan sina Winwyn at Mark.
Wala pa naman daw idini-display na bagong dyowa ang beauty queen-actress. Ang Korean boy band lang na BTS ang kinababaliwan ngayon ni Winwyn at dumarayo pa sa Korea para manood ng concert ng kanyang mga idolo.
Marami naman ang nagsasabing blessing in disguise na nakawala si Winwyn kay Mark.





Comments