top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Unli-imported rice, pamatay sa mga magsasakang pinoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 2, 2019
2 min read

ANO ba ang nilalayon ng bagong batas na Republic Act no. 11203 o Rice Tariffi­cation Law? Sino ba ang nais tulungan ng batas na ito — ang magsasaka ba o ang mga mapagsa­man­talang importer ng murang bigas at real estate developers?

Sa halip na pala­kasin ang produk­siyon ng lokal na bigas, pinadadali lang nito ang pagpasok ng mga imported rice. Malinaw ang epekto nito sa presyo ng bigas, lubhang buma­ba ang presyo ng lokal na bigas para lang malabanan ang mu­rang presyo ng imported rice.

Ibang-iba ang tak­bo ng agrikultura sa ating bansa sa mga karatig na bansa sa Timog-Silangang Asya (Southeast Asia). Mabilis na umunlad ang agri­kultura ng Vietnam, Indonesia, Thailand, Myanmar, Laos, Cambodia at iba na ma­rahil dahil prayoridad ng mga bansang ito ang kanilang agri­kultura kung saan hangga’t maaari, hindi sila umaangkat ng palay at sa halip, itinatanim at inaani ito sa kanyang mama­mayan.

Nagsimulang pumasok ang mga imported rice sa Los Baños. Wala itong ibang epekto kundi ibaba ang presyo ng bigas at lubos na pahinain ang pansa­riling produksiyon ng palay sa bansa. Ano ang nasa likod ng naturang ‘unlimited importation’ ng bigas?

Sa totoo lang, mali­naw na hindi mag­sasaka ang nakikina­bang sa batas at programang ito. Ultimo ang mga magsasaka na dating masaya dahil sa magandang kita at sapat na supply ng bigas na umaabot nang halos isang taon ay ma­sama ang loob at nagtatanong kung bakit sa halip na sila ay makaahon sa hirap, tila inilulubog pa sila sa kahirapan ng kanilang sariling bansa?

Marahil, kailangan nating tingnan ang mali sa anumang “unli”, ‘unli rice’ man ito sa restoran o ‘unli im­portasyon’ ng bigas.

Una, mali ang ‘unli rice’ dahil kung wala tayong preno sa ka­nin, tiyak na magka­kasakit tayo — kung hindi diabetes ay sakit sa puso.

Pangalawa, paliit nang paliit na kapa­sidad o kakayahan ng lupa na pagkasyahin ang mga produkto na kasama sa pangu­nahing pangangail­a­ngan ng tao. Tunay na paunti nang paunti ang mga palayan sa bansa.

Pangatlo, hindi maganda ang epekto nito sa lokal na pro­duksiyon ng bigas. Mawawalan ng gana ang mga magsasaka at landlord nito na magtanim ng palay dahil hindi na ma­ganda ang kita sa industriyang ito. Isa pa, ang nakalulungkot ay tila napapalitan na ang lupain na dapat taniman ng palay ng merkado, mall, subdivision at iba pang establisimyento.

Pang-apat, ano ang mangyayari sa kamalayan at kasa­rinlan ng bawat Pinoy na nais maging malapit sa kalikasan?

Bata pa lamang ako, paulit-ulit nang sinasabi sa akin ng dalawa kong lola na sina Lola Veray at Lola Pia, “Ubusin ang lahat, huwag kang magtira kahit isang mumo ng kanin. Pi­nag­hirapan ‘yan ng mga magsasaka. Pi­naghimalaan ‘yan ng Diyos para buhayin ka at ang lahat ng tao…”

Sana ay pansa­man­tala tayong mag­muni-muni upang tingnan nang mas malalim ang isyung ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page