top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tuwing ‘ber months’ — PNP | KRIMEN SA METRO MANILA, NABABAWASAN

V. Reyes
Sep 2, 2019
1 min read

BUMABABA na uma­no ang naitatalang krimen sa Metro Manila tuwing sasa­pit ang ‘ber months”’ o mula Setyembre hanggang Dis­yembre.

Batay sa tala ng Philip­pine National Police-Natio­nal Capital Region Police Office, nasa 1,077 crime in­cidents ang naitala mula Setyembre hanggang Dis­yembre noong 2018.

Mas mababa umano ito sa 1,149 na krimeng naitala kung hindi ‘ber months’.

Kung ikukumpara noong 2017 na may naitalang 1,339 krimen kung ‘ber months’ at average na 1,414 krimen kung ‘non-ber months’ ay na­bawasan na ito noong 2018.

Sa tala pa ng NCRPO, mula Enero hanggang Agos­to ng kasalukuyang taon ay nasa 981 crime incidents na ang naitala.

Naniniwala ang NCRPO na ang pagbulusok ng crime rate ay kaugnay na rin sa pi­nalakas na kampanya ng gobyerno laban sa droga at iba pang krimen.

Bukod pa ito sa pagiging aktibo na ng publiko na mag­sumbong sa mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page