top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sen. Risa, inuna pa ang kapakanan ng mga bakla at tibo kesa sa mga magsasaka

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2019
  • 2 min read

TROPA NI FAELDON, ‘TAGILID’ NA KAY P-DUTERTE — Pinagpapali­wa­nag ngayon ni P-Duterte ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pamu­muno ni BuCor Chief Nicanor Faeldon kung bakit nila pinayagang makalaya sa ilalim ng batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang 2,000 presong sangkot sa mga karumal-dumal na krimen.

Naku, sa tema ng salita ni P-Duterte, tila “tagilid” na sa kanilang puwesto ang tropa ni Faeldon sa BuCor, abangan!

◘◘◘

KUNG WALANG BAHO NA ITI­NATAGO, DAPAT HUMARAP SI FAELDON SA SENATE PROBE — Matapos kumalat sa social media ang re­lease order na may lagda ni BuCor Chief Nicanor Faeldon para makalaya si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na convicted rapist at murderer, nagpasya si Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights na ipatawag sa Senado ang tropa ni Faeldon para maimbestigahan.

Ang masaklap, nagpasabi na raw si Faeldon na hindi niya sisiputin ang Senate probe ng komite ni Sen. Gordon.

Hay, naku, kung walang itinatagong baho si Faeldon sa isyung ito, dapat harapin niya ang imbestigasyon, period!

◘◘◘

BATAS PARA SA MGA LGBTQ+, ISINUSULONG PA RIN, PERO KA­PAKANAN NG MGA MAGSASAKA, “NGANGA” LANG — Patuloy pa rin ang deliberasyon sa Senado tungkol sa SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Bill ni Sen. Risa Hontiveros para sa kapakanan ng LGBTQ+ community.

Pambihira, imbes na ang talakayin sa Se­nado ay ang kapakanan ng mga magsasaka na nalulugi na sa bentahan ng palay dulot ng “Rice Tariffication Law”, mas inuna pa ng grupo ni Sen. Hontiveros na tutukan ang ba­tas na pabor sa LGBTQ+ community, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

GAMBLING LORDS, MAGPAPA-JUETENG NA SA REGION 1? — Dahil ayaw sundin ng mga STL operator ang mga bagong patakaran ng PCSO, sa mga pro­binsiya na sakop ng Region 1 ay may mga gambling lord daw ang pumopostura na para mag-operate ng jueteng.

Tingnan nga natin kung magawa ng mga gambling lord ang makapag-operate ng jueteng sa jurisdiction ni PNP-Region 1 Director Brig. Gen. Joel Orduna?

Abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page