New sports: 3x3 basketball, lawn tennis at beach volley
- BULGAR

- Sep 2, 2019
- 1 min read

MAY mga karagdagang bagong sports kapwa sa collegiate at high school division ang University Athletics Association of the Philippines (UAAP) sa ika-82 taon ng liga na pormal na nagbukas kahapon sa Mall of Asia Arena.
Ito ang isa sa mga inihayag ng pamunuan ng liga kahapon sa idinaos na press conference sa naunang nabanggit na venue sa Pasay City. “Starting this season, 3×3 Basketball will be an official sport. For the high school division, we are adding Boys’ and Girls’ Lawn Tennis as a demo sports and Boys’ and Girls’ Beach Volleyball as medal events,” ayon kay UAAP President Em Fernandez.
Dalawang taon nang idinaraos ang 3×3 basketball sa men’s at women’s division sa UAAP sa nakalipas na dalawang seasons. Sa pagkakadagdag ng 3x3 ngayong taon, umabot na sa 31 ang kabuuang bilang ng mga events sa collegiate level. Magiging event host ng 3×3 basketball tournament na magsisimula sa Marso 2020 ang FEU. Idadagdag sa high school ang lawn tennis at beach volleyball.
Tatayong event host ng beach volleyball sa Enero 2020 ang UST habang ang National University ang event host ng lawn tennis na idaraos sa Pebrero 2020. (VA)





Comments