Namumulot ng ginto at feng shui items sa panaginip, susuwertehin sa tunay na buhay
- BULGAR

- Sep 2, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Myrna ng Myrna_Sanchez@face-book.com
Dear Professor, Pakisabi naman ang kahulugan ng panaginip ko. Namumulot ako ng mga bagay na ginto, ito ay mga feng shui item na galing sa nasunog na building. Bihira akong makaalala ng panaginip, pero this time, pati kasama kong tao sa panaginip ay naalala ko. Hihintayin ko ang sagot ninyo. Salamat!
Naghihintay, Myrna
Sa iyo Myrna, Maraming bagay ang masarap mapanaginipan dahil ang kahulugan ay susuwertehin sa buhay. Isa sa mga ito ay ang napanaginipan mong mga bagay na kulay ginto.
May isa pang magandang mapanaginipan at ito ang tungkol sa lucky charms ng tao. Sa panaginip, nasagot ang tanong at ang sabi ng iyong panaginip ay ang mismong mga feng shui item ang pampasuwerte sa buhay mo.
Ano pa ang hinihintay mo? Maghanap ka ng mga bagay na napanaginipan mo dahil ang mga ito ay mas lalo pang magpapaganda sa buhay mo.
Maraming feng shui items, pero ang sabi ng panaginip, ang hanapin mo ay ang mga antique o ‘yung mga sobrang luma na dahil ito ang kahulugan mula sa nasunog na building.
Ang pahabol na paliwanag ay kapag ang bagay na pampasuwerte ay matagal nang hindi nagagamit o walang nakapapansin, ito ay maitutulad sa mga sunog na kapangyarihan.
Muli, ano pa ang hinihintay mo? Pumunta ka na sa feng shui shops at ang piliin mo ay ang mga bagay na hindi nagugustuhan ng ibang tao.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments