Misis, nakaaway | MISTER NAGBARIL SA ULO
- BULGAR

- Sep 2, 2019
- 1 min read

ISANG mister ang nasawi matapos magbaril sa ulo sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si ‘Ron’, 42-anyos.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naabutan ng pinsan nito ang biktima sa loob ng kanilang bahay na wala nang buhay.
May tama ito ng bala ng baril sa ulo at hawak pa ang cellphone.
Ayon sa pamilya, maaaring away sa pagitan ng biktima at kanyang asawa na nasa ibang bansa ang dahilan ng pagpapakamatay nito.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang ilang basyo ng bala ng baril, magazine na may lamang bala at cellphone.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pangyayari.(BRT)





Comments