top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Mga tricycle driver, hindi obligadong magsuot ng helmet

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Motorsiklo rin ang gamit ng mga tricycle at delikado rin ang sakay nito kung ito ay mabangga. Hindi ba obligado ang mga tricycle drivers na magsuot ng helmet? — Marbelyn

Dear Marbelyn,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 4 ng Republic Act No. 10054 o mas kilala sa tawag na “Motorcycle Helmet Act of 2009” kung saan nakasaad na:

“Section 4. Exemption. – Drivers of tricycles shall be exempted from complying with the mandatory wearing of motorcycle helmets as provided in this Act.” (Binigyang-diin)

Samakatwid, malinaw sa batas na ang mga tricycle drivers ay exempted o hindi obligadong magsuot ng motorcycle helmets.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page