top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex-GF na si Elisse, sa kaibigan naman ngayon… MCCOY KAY JAMESON: 'WAG MO LANG SIYANG SASAKTAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

NEVER nagalit si McCoy de Leon sa kapwa Hashtags member na si Jameson Blake nang malaman niyang may crush ang huli sa dati niyang girlfriend na si Elisse Joson.

Katunayan, nagpaalam pa si Jameson kay McCoy na liligawan niya ang young actress. Pumayag naman si McCoy at ang sabi lang niya kay Jameson, “‘Wag mo lang siyang sasaktan.”

Esplika ni Jameson, “May iba’t ibang factors like ‘yung breakup kung masama, if it was really a bad breakup, kung how long din ever since. Understanding lang, communication lang, that’s why kailangang mag-usap din. Hindi basta-basta na kung ano [ang] gusto mong gawin, gagawin mo.”

Aminado si McCoy na nu’ng malaman niyang may pagtingin si Jameson sa ex-girlfriend at liligawan ito ay may kirot pa rin siyang naramdaman.

Aniya, “Sa una, aaminin ko, mahirap pala. Pero kailangan mong i-accept ‘yung ganu’n, eh, na hindi mo mababago ‘yung isang tao kung nagmamahalan sila.”

Kahit open na sa publiko ang panliligaw ni Jameson kay Elisse, ang pag­kakaibigan ng dalawang aktor ay hindi nagbago.

Sina McCoy at Jameson ay magkasama sa pelikulang G! na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood si­mula sa September 13.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page