Eez, ayaw isuko ng china sa 'Pinas, bully pa more!
- BULGAR

- Sep 2, 2019
- 1 min read
TULAD ng inaasahan, hindi tinanggap ni Chinese President Xi Jinping ang desisyon ng U.N. Permanent Court of Arbitration kung saan hindi kinilala ang Nine-Dash-Line ng China kaya mananatili ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.
Ang sinabi umano ni Pres. Jinping ay kailangang pag-usapan nang mapayapa ang isyu hinggil sa South China Sea. Hindi ba, paulit-ulit naman nilang sinasabi ‘yan?
Ano ang mangyayari sa pangingisda sa loob ng ating EEZ? Ano ang mangyayari sa walang habas na paghango ng kayamanan at iba pang likas na yaman sa ating karagatan? Ano ang mangyayari sa mga babala at paninindak ng China sa ating mga barko at eroplano? Ano ang mangyayari sa patagong paglayag ng mga Chinese vessel sa loob ng ating teritoryo? Napakarami nating katanungan, naitanong kaya ang mga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Pres. Jinping?





Comments