BVR crown: rondina at pons, muling nag-reyna


NALUSUTAN ng Petron tandem nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang matinding hamon na itinayo sa second set ng pareha nina Perlas spikers Dzi Gervacio at Dij Rodriguez upang maiposte ang 21-13, 21-19, panalo at naangkin ang titulo sa women’s division ng Beach Volleyball Republic On Tour Gran Ola, Lianga kahapon sa Surigao del Sur.
Tagumpay ang pagbabalik mula sa isang taong pamamahinga si American David McKienzie nang magkampeon ang tambalan nila ni Malaysian Raja Riazmi matapos pataubin ang Tigers pair nina KR Guzman at Krung Arbasto, 21-12, 21-19 sa men’s division.
Winalis nina Rondina at Pons ang lahat ng kanilang 6 na laro ngunit nasubukan sila ng husto ng tambalan nina Gervacio at Rodriguez lalo pa’t inulan ang finals.
Tinalo nina Rondina at Pons ang UST 2 pair nina Derie Virtusio at Mer Jauculan, 21-8, 21-7, upang umusad sa Finals kontra kina Gervacio at Rodriguez na nanaig sa UST 1 tandem nina Babylove Barbon at Gen Eslapor, 21-18, 19-21, 15-12 sa semifinals.
Tumapos na pangatlo sina Barbon at Eslapor na naghahanda para sa UAAP Season 82 sina Virtusio at Jauculan, 21-12, 21-15.
Pinadapa nina McKienzie at Riazmi ang Davao duo nina Calvin Sarte at Edmar Flores, 21-18, 21-13, upang umusad sa men’s finals kontra kina Guzman at Arbasto na nagposte ng 22-20, 21-12 panalo laban kina Far Eastern University 1 pair nina Jude Garcia at Doy Barrica sa semis. Namayani sina Sarte at Flores laban kina Garcia at Barrica, 21-18, 21-12, 15-8, sa duwelo nila para sa ikatlong puwesto. (VA)





Comments