top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagman ng droga, niratrat ng riding-in-tandem, todas

  • Jeff Tumbado
  • Sep 2, 2019
  • 1 min read

NAPATAY sa pananambang ang isa umanong bagman ng shabu sa Bacolod City, kamakalawa.

Wala ng buhay na nakasalampak sa driver’s seat ng kanyang sasakyan si Ricky Serenio, habang sugatan ang dalawa pang sakay nito sa kotse.

At dahil sa pananambang, nabangga ng kotse ng biktima ang jeep, multicab at motorsiklo kung saan walo sa mga pasahero ang nasugatan sa karambola.

Natimbog naman ang dalawang gunman na kapwa sugatan nang makipagbarilan ang mga ito sa mga rumespondeng pulis.

Nabatid na sinundo umano ni Serenio ang isa sa kanyang mga pasahero mula sa subdivision malapit sa pinangyarihan ng krimen alas-3:00 ng hapon.

Patungo ang biktima sa bayan ng Pulupandan nang mangyari ang paglikida sa kanya.

Dati na umanong inamin ni Serenio sa pulisya na sangkot siya sa malawakang bentahan ng droga sa Negros Occidental kung saan idinawit pa nito ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno, pulis at mga negosyante.

Inakusahan din noon ni Serenio ang isang pulis na pumatay sa kanyang ama at kapatid sa Bacolod City noong 2017.

Naniniwala ang mga awtoridad na may kinalaman sa kanyang pagpaslang ang pagkakasangkot nito sa kalakalan ng iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page