Sk chairman na tulak, kulong

NATIMBOG ng pulisya ang kasalukuyang Sangguniang Kabataan chairman sa inilatag na drug-bust operation sa Molave, Zamboanga del Sur.
Hindi na nakapalag pa nang sunggaban ng ilang Drug Enforcement Unit (DEU) ng Molave Municipal Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) operatives ang suspek na si Melky Jan Alvarez, 22, SK chairman ng Bgy. Lower Usagan, Tambulig.
Ayon kay Molave Police Chief Major Willie Joy Pogado, nakuhanan si Alvarez ng sachet na naglalaman ng shabu matapos ibenta nito sa undercover agent nitong gabi ng Biyernes.
Nasamsam mula kay Alvarez ang P8,000 halaga ng shabu. Kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinahaharap ng tulak na SK chairman.





Comments