Sey mo, Gerald? JULIA, LUMIPAT SA BAHAY NA MALAPIT KAY JOSHUA

Nitz Miralles / BIDA

Natutuwa ang mga supporters ni Julia Barretto dahil hindi na masyadong toxic basahin ang comment section ng Instagram (IG) niya, halos wala nang bashing at walang negative comments sa post ni Julia.
Sabagay, walang ka-bash-bash sa bagong post ni Julia na tungkol sa lilipatan niyang bahay na malapit lang pala sa dati nilang bahay.
Post ni Julia: “I went to do a little shopping since I’m already moving into my new home.
“Fun fact: I will only transfer a few steps away from my mom’s house. People often find it weird and usually ask me, “why?” and I simply answer, “why not?” My mom is my bestest friend and my number one source of strength. Even though, she has raised me to be independent and brave, I still don’t see any reason why I should be far away from her.
“Sa totoo lang, kailangan ko pa rin siya. At least, I still get to have breakfast, lunch and dinner at her place. Makakatipid pa rin ako sa ulam at kanin. Sorry mom.”
Ang daming nag-congratulate kay Julia dahil at her age, may sarili nang bahay at marami ang naka-relate na sa bahay pa rin ng inang si Marjorie Barretto siya kakain.
Ikinatuwa naman ng mga fans nina Julia at Joshua Garcia na mas napalapit ang dalawa dahil five minutes drive lang daw from Julia’s house to Joshua’s place.
Samantala, malapit na ang showing ng movie nina Julia at Joshua na Block Z at dito malalaman kung buo pa rin ang fans ng dalawa at hindi sumabay na nawala nang sila’y mag-break.





Comments