top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PDU30, pa-times up na, mga pramis sa ‘pinas, hindi pa tapos

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2019
  • 2 min read

‘BER’ months na.

Merry Christmas po!

◘◘◘

MAGIGING pinaka­masayang tao ang mga parak ngayon.

Kasi hindi na bawal tumanggap ng regalo!

◘◘◘

MAGING ang airport personnel ay kaiinggitan.

Kasi puwede na rin silang mag-‘meri kris­mas’ sa mga balikba­yan!

◘◘◘

NILINAW ni P-Digong sa China ang UN arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS).

Nilinaw din ng China na hindi nila ito kinikilala.

Ganu’n lang, wala lang!

◘◘◘

KAHIT saang lugar ipinoprotesta ang Prime Water na nagmomo­no­polya ng distribusyon ng tubig sa mga lalawigan.

Ikaw na ang “kaibi­gan”.

He-he-he!

◘◘◘

MAY isa pang BFF si P-Digong na nais namang makontrol ang elektrisi­dad mula sa solar panel.

Namputsa, ang ener­hiya mula sa kalikasan ay pinagkakakitaan na ng mga dorobo — nang panghabambuhay!

◘◘◘

WALANG magagawa ang mga Pinoy.

Kung may sapat pang lakas at resis­ten­siya si P-Digong, maa­a­­ri sana niyang ide­pensa ang masa kontra sa mga amu­yong na mapag­samantala!

◘◘◘

MAHIHIRAPAN si P-Digong na “mahalata at madiskaril” ang pagiging ganid ng mga tao sa kanyang paligid dahil kailangan niyang unahin ang kalusugan niya.

Siyempre, ang pra­yoridad ni lolo ay ang kanyang buhay kesa ang buhay ng mga nagdarahop!

◘◘◘

MAHIGIT dalawang taon na lamang ang termino ni P-Digong.

Setyembre na at next year ay halos huling 24 buwan na lang niya sa Malacañang!

◘◘◘

ANG huling 24 buwan ni P-Digong simula next year ay wala nang “pa­tol”— magsisimula nang higupin ang loyalty ng kan­yang mga amuyong ng potential presidentiables.

Ibig sabihin, ang productive months ni P-Digong ay tinata­yang 12-18 buwan na lamang!

◘◘◘

SA loob ng 12-18 buwan, maresolba pa kaya niya ang matitinding problema ng bansa?

Sa totoo lang, ibinabala na ni P-Digong ang “sit­wasyon” na maaaring mag­bigay ng hindi masu­sukat na pasanin sa mga Pinoy sa mga susunod na mga buwan.

Ano kaya ‘yun?

Hulaan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page