top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pagpapalaya sa 2,000 convicted murderers, rapists, drug lords — Bong Go | HINDI DUMAAN KAY P-DUTERT

Mylene Alfonso
Sep 1, 2019
1 min read

HINDI umano dumaan kay Pangulong Rodrigo Du­terte ang maagang pagka­kalaya ng halos 2,000 krimi­nal na sinintensiyahan dahil sa mga karumal-dumal na krimen.

Ito ang sinabi ni Senador ‘Bong’ Go kasunod ng inila­bas na listahan ng mga na­pala­yang convict na naka­benepisyo sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

“Hindi dumaan kay Pa­ngulo ‘yan. Anong gagawin ng presidente? Papasagutin niya ang dinaanan,” wika ni Go. Ayon sa senador, hindi pa nasasabihan ang pangulo kaugnay sa mga napalayang mga convict ng karumal-du­mal na krimen.

Gayunman, tiniyak ni Go na pananagutin ni Pangu­long Duterte ang nasa likod ng pagpapalaya sa libu-li­bong heinous crime convicts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page