top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mga tungkulin ng airlines at karapatan ng mga pasahero

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 1, 2019
3 min read

NAKASAAD sa Article 1732 ng Civil Code of the Philippines ang mga sumusunod:

“Common carriers are persons, corporations, firms or associations engaged in the business of carrying or transporting passengers or goods or both, by land, water, or air for compensation, offering their services to the public.”

Ang airline ay isa sa mga uri ng transportasyon na binibigyang regulasyon ng ating batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga mananakay at maging ang mga kumpanya ring nagmamay-ari nito. Isa ang airline na itinuturing ng batas bilang common carrier.

Ang air transportation ay mahalagang indus­triya sa bansa. Ito ay kinakailangan upang ang mga tao, kalakal at iba pang bagay na kinakailangang makasakay ng eroplano ay makarating nang mabilis sa destinasyon nito. Nang dahil dito, pangangalaga­an ng estado ang karapatan ng bawat personalidad na gumagalaw sa industriyang ito. Kaakibat ng pro­teksiyong ito ay ang obligasyong gawin nang marapat ang mga responsibilidad na nakapaloob sa batas.

Ayon sa Joint DOTC-DTI Administrative Order No. 01 Series of 2012, ang ticket na binili ng pasahero ang basehan ng kontrata ng pasahero at airline company. Nang dahil dito, ang airline company ay mayroong obligasyong dalhin ang pasahero sa kanyang destinasyon nang maayos at ligtas ayon sa napagkasunduang ruta sa takdang-oras at petsa.

Maliban sa obligasyon ng air carrier na dalhin ang kanyang pasahero nang maayos at ligtas, ito ay may obligasyong ipagbigay-alam sa mga pasahero nito ang termino ng kanilang kontrata. Ang mga terminong ito ay marapat na mailagay sa ticket o sa dokumentong nakasama sa ticket. Kasama sa mga terminong ito ang mga dokumentong marapat na ihanda ng pasahero para sa kanyang check-in, ang proseso para sa check-in deadlines, refund o rebooking policies maging ang mga polisiya para sa delayed at cancelled flights.

Bukod sa pagsusulat ng mga terminong ito sa ticket, marapat na maipaliwanag din ng airline company sa pasahero ang nasabing mga alitun­tunin sa salitang naiintindihan nito.

Ang mga pasahero ay may karapatang mabigyan ng maliwanag na anunsiyo tungkol sa pamasahe. Kaugnay nito, ang airline company ay mayroong obligasyon na magbigay ng maliwanag at hindi mapanlinlang na patalastas tungkol sa pamasahe at promo fares nito.

Kapag ang pasahero ay may kara­patang mabigyan ng kompensasyon o kabayaran dahilan sa pagkakaantala ng kanyang lipad o iba pang dahilan na pinapayagan ng batas, obligasyon ng air carrier na ibigay nang agaran ang nararapat na kompen­sas­yon at kabayaran sa lalong madaling pana­hon sa air carrier’s counters sa paliparan o sa main office at sangay nito alinman ang piliin ng pasahero.

Ang mga air carriers ay may obligasyong maglaan ng customer service representatives upang magbigay ng solusyon sa mga karaniwang problema tulad ng pag-aayos ng pagkain at hotel rooms ng mga stranded passengers, pag-aayos ng mga problema sa bagahe, check-in at iba pang reklamo.

Ang air carrier ay marapat na ibalik ang mga checked baggage fees kung hindi gagamitin ng pasahero ang airline ticket sa kondisyong ang nasabing ticket ay refundable at ang hindi paggamit ng pasahero ng nasabing ticket ay hindi niya kasalanan.

Ang mga airline companies ay may obligasyong magbigay ng kanilang buwanang ulat sa Civil Aeronautics Board (CAB) ng mga sumusunod:

“a) The number of regular and promotional fare passengers who have been denied boarding, or whose flights were delayed or cancelled;

b) The number of regular and promotional fare passengers whose baggage was lost, damaged, or off-loaded; and

c) The number of regular and promotional fare passengers who died or sustained an injury during the course of the flight or performance of the contract of carriage, as well as the reasons and other circumstances of such occurrences.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page