top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Kulani, sintomas na may impeksiyon sa katawan

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Sep 1, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Mula nang may tumubong pigsa sa kilikili ko, napansin kong parang may mga bukol na tumutubo rito. Kumikirot at namumula rin ito, ano kaya ito? — Rowi

Sagot

Kalimitan, ang bukol o bukul-bukol sa kilikili ay kulani o mga kulani na namamaga dahil sa impeksiyon. Ito ay normal na reaksiyon ng mga kulani dahil may taglay itong mga cells na lumalaban sa impeksiyon bilang bahagi ng immune system ng katawan. Ang halimbawa ng mga impeksiyon ay pigsa, ubo’t sipon, trangkaso ngunit, maaari ring walang maramdaman ang pasyente na ibang sintomas.

Kulani ano ang sanhi, sabi ni doc

Maaaring uminom ng pain reliever tulad ng paracetamol o ibuprofen para mabawasan ang kirot. Puwede ring lagyan ng yelo o cold compress ang apektadong bahagi ng kilikili. Huwag mag-alala dahil kusang mawawala ang pamamaga ng kulani sa loob ng ilang linggo, pero ang kulani mismo ay hindi mawawala sapagkat lahat ng tao ay may kulani at namamaga lamang sila kapag may impeksiyon. Pero, kung patuloy silang malaki at namamaga o may iba pang kasamang sintomas na higit sa dalawang linggo, magpatingin na agad sa doktor upang masuri ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page