Gilas, pinagpraktisan ng Italya
- Alvin Olivar
- Sep 1, 2019
- 2 min read

BUO pa rin ang loob ng Gilas Pilipinas na makakabawi sa susunod na laban bagamat inilampaso sila kagabi ng Italya, 108-62 sa 2019 FIBA Basketball World Cup sa Foshan International Sports and Cultural Arena, Foshan, China.
Malakas na simula ang ipinakita kaagad nina Danilo Gallinari at Marco Belenilli upang hilahin sa malayong iskor na 62-24 ang first half. Salamat sa dalawang foul ni Robert Bolick sa 3rd quarter upang maipasok ang apat na free throws, 28-66.
Namaga agad ang abanse ng Italya sa 19-4 sa first quarter sa ipinakitang bilis sa steals at turnovers, perimeter shots nina Gallinari, Daniel Hackett at Luigi Datome.
Samantala, nagpasiklab agad ang Serbia pagkaraang tambakan ang Angola, 105-59, sa unang laro. Impresibo ang simula ng Serbia sa torneo sa kanilang laro bago kakalabanin ang Gilas Pilipinas. Kumawala na agad ang Serbia sa first quarter makaraan ng isang 9-0 run napaglawig sa abanse, 24-13. Nasimulan ang run sa pamamagitan ng three-point play ni Nikola Jokic habang dalawang sunod na tres ang binuslo ni Bogdan Bogdanovic at Marko Guduric.
Lamang ang Serbia, 29-20, sa pagtatapos ng second quarter at patuloy ang pananalasa ng koponan sa laro. Umiskor ng 21 points ang Serbia habang 12 lang ang naibuslo ng Angola para makuha pa rin ang abanse, 50-32. Patuloy ang dominasyon ng Serbia sa third quarter makaraang makuha ang 28-15 na iskor sa third quarter para sa 78-47 na kalamangan. Hindi pa rin nagpadaig ang Serbia sa 4th quarter matapos limitahin ang Angola sa 12 points sa huling yugto ng laro.
Umabot sa 49 ang pinakamalaking kalamangan ng Serbia sa laro, pagpapakita na isa ang koponan sa mga malaki ang pag-asang makuha ang ginto sa World Cup. Ipinakita rin ng Serbia ang kanilang taas sa pagsambot ng 41 rebounds habang 19 lamang ang napulot ng Angola.
Nanguna para sa Serbia si Bogdanovic na umiskor ng 24 points, habang tig-14 points ang ginawa ni Jokic at Nikola Milutinov. Gumawa ng 12 points at 10 rebounds si Boban Marjanovic.
Para sa Angola ang nagtipa ng 15 points ay si Carlos Morais habang 10 points ang itinala ni Paulo Leonel para sa natalong koponan. Makakaharap ng Angola ang Italy sa Lunes.





Comments