top of page
Pokwang.jpg

Work nang work, pero waley pa rin? MGA PARAAN UPANG MAKAIPON PARA SA FUTURE

Justine Daguno
Aug 31, 2019
2 min read

KABILANG ka ba sa mga young professional na feeling struggle pag­dating sa finances o sa pag­hawak ng pera? Sa totoo lang, mas madali ta­lagang gumastos kaysa magtipid, ‘di ba? Ayon sa ilang pag-aaral, karami­han sa mga young profes­sional ay walang sapat na ipon o investment kahit may ideya o aware sila sa kanilang future needs.

Kaya narito ang ilang investment option ideas para sa inyo:

1. MAMUHUNAN SA SARILI. Skills ang ‘grea­test asset’ ng bawat isa, kaya habang bata pa, mag-invest tayo sa ating sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ng iba’t ibang kasanayan, ha­lim­bawa, mag-take ng gra­duate degree, kumuha ng online courses, mag-enroll sa pro­fes­sional certification prog­ram o puwede rin ka­yong um-attend ng mga seminar.

2. MALIIT NA NE­GOSYO. Sabi nila, walang yumayaman sa pagiging em­pleyado kaya dapat hu­wag tayong matakot mag­ne­gosyo. Puwedeng mag-um­pisa sa mga bagay na in­te­resting sa iyo o hobby mo. Tandaan, kung pumalpak ka man, try lang nang try hang­gang sa ma-achieve mo ang iyong mga goal.

3. MGA INVEST­MENT PROGRAM. Isa sa pinaka­madaling initial investment ang savings/investment pro­grams na ino-offer ng ilang ahensiya tulad ng Pag-IBIG Fund, Social Security Sys­tem (SSS) at iba pa. Kapag may time, mag-inquire sa kani­lang opisina para mabig­yan kayo ng karagdagang payo.

4. MUTUAL FUNDS. Maraming kumikita sa pamu­muhunan sa stock market, pero kumplikado ito para sa mga first timer kaya bago mag-umpisa, dapat mag-re­search muna tungkol dito o humingi ng payo sa mga pro­pesyunal o financial adviser.

5. GAMIT SA BA­HAY. Simpleng bagay lang ito kung iisipin, pero malaki ang epekto nito. Halimbawa, ‘yung pagbili ng mga kama o iba pang bagay na maga­gamit mo, araw-araw. Si­yempre, pagkatapos ng stress­ful at napakahabang araw, lahat tayo ay gustong makapag-relax so, worth it na gumastos para rito.

6. INSURANCE. Isa ito sa mga pratikal na pu­we­de nating gastusan, may­roon nitong life insurance, health insurance, home insu­rance at iba pa. Sa simula, medyo mabigat ‘yung feeling na may hinuhulugan, pero sa pagtagal ng panahon, ma­gugulat ka dahil tapos mo na pala.

Walang masama sa pag­gastos, pero dapat sigura­duhin nating sulit ito dahil alam nating hindi madaling kumita ng pera. Isa pa, para sa mga young professional na nag-uumpisa pa lang sa ‘adulthood’, mahaba pa ang panahon at marami pa ta­yong pagkakataon para su­mubok ng mga bagay-ba­gay. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page