Saints vs. spartans sa CBA finals


PASOK na sa finals ang Caloocan Hurricane Saints at Binangonan Spartans para sa 18-under championship ng Community Basketball Association (CBA).
Pag-aagawan nina Saints coach Mark Ballesteros at Spartans mentor Rafael Suba ang korona. Sa kanilang pagdalo sa 37th “Usapang Sports” ng TOPS sa National Press Club sa Intramuros noong Huwebes, handa pareho ang koponan para ‘makipagpatayan’ sa titulo ng inaugural CBA 18-U championship. “We’ll do our best to win the CBA 18-under title. We are preparing very hard right now,” ayon kay Ballesteros, na minanduhan ang Saints tungo sa 86-80 win kontra Nueva Ecija Grains sa semifinals noong Sabado. Kumpiyansa si Ballesteros sa players niyang galing sa St. Clare College of Caloocan at Sacred Heart of Novaliches na mamamayani sa best-of-3 finals simula ngayong araw sa Binangonan Town Plaza.
Pinuri ni Ballesteros si Jolo Sumagaysay sa nagawang 32 puntos naging panalo ng Saints sa semis vs. Grains maging si Sherick Estrada na pawang mga reliable players. (MC)





Comments