top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Rehabilitasyon ng riles at tren, sagot sa malalang trapiko sa Metro Manila

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2019
  • 2 min read

NOON, kapag sinabing EDSA, makasaysa­yan ‘yan — demokraysa at kalayaan.

Ngayon, kapag sinabing EDSA, ang unang papasok sa isipan natin ay ang mga sasakyan na naiipit sa mabigat na daloy ng trapiko.

Napakabagal ng pag-usad at minsan, tila hindi talaga umuusad. ‘Yung tipong kapag ang pupuntahan mo ay ang building ng Senado ga­ling sa Magallanes, parang mas gugustuhin mo na lang na maglakad.

May pag-asa pa bang maresolba ang prob­lema natin sa malalang traffic?

Totoong mahirap mawala ang nakaiinit ng ulo na traffic congestion, pero may paraan para lumuwag ito at hindi maging sagabal sa pang-araw-araw nating buhay.

Panukala nating pagtuunan ng oras ang rehabilitasyon ng railway systems dahil kung ma­raming tren, malaking kaluwagan ito sa tra­piko dahil tiyak na mas marami ang magko-com­mute na lang.

Isipin na lang natin, ang tren na may walong bagon, 448 sasakyan ang katumbas nito. Kung madaragdagan natin ang mga tren, libu-libong komyuter ang hindi maaabala sa oras at malaki rin ang maibabawas sa mga naglipanang sasak­yan sa kalsada.

Kamakailan, sa pagpupulong ng Depart­ment of Transportation (DOTr) kaugnay ng kanilang panukalang P147 bilyong 2020 Natio­nal Budget, umayon si Transportation Secre­tary Art Tugade na isa sa mga ‘susi’ ng traffic decongestion ay ang pagpapalawak sa ating railway system hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga kalapit-bayan natin.

Sabihin man nating matrabaho ang mala­wakang rehabilitasyon ng railways, pero ang resulta nito ang importante at beneficial para sa lahat.

Noong 1938 kung saan usung-uso ang mga tren, mayroon tayong 2,400 kilometrong riles sa buong bansa.

Ngayon, 77 kilometro na lang kasama na ang MRT at LRT. Ganyan tayo binago ng mga nagdagsaang sasakyan sa kalye.

Sa totoo lang, positibo pa rin tayo dahil may ongoing projects ang DOTr.

Ngayong Nobyembre, mag-uumpisa na ang first phase ng Metro Manila subway system. Ang subway na ito ang magiging koneksiyon ng Mindanao Avenue, Quezon City sa NAIA Terminal 3.

Kung ibibiyahe natin sa kotse o iba pang behikulo ang distansiya ng Quezon City at Pa­say City, mahabang oras ang aabutin natin kaya malaking bagay ang paparating na subway system.

Kaya tayo, buo ang suporta natin sa mga programa at proyekto ng DOTr tulad ng MRT-3 rehabilitation, ang pagbuhay sa operasyon ng Philippine National Railways (PNR) at LRT-1 extension sa Cavite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page