top of page
Pokwang.jpg

Pagdagdag at pagbago ng isinampang kaso sa darab

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Ako ay nagsampa ng reklamo sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) no­ong nakaraang linggo at nais ko sanang dagdagan at baguhin ito. Maaari ko ba itong gawin? — Lane

Dear Lane,

Para sa inyong ka­ala­man, ang panuntu­nang naaangkop sa inyong sitwasyon ay ang Section 3, Rule IV ng 2009 Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) Rules of Procedure kung saan nakasaad na:

“RULE IV

Commencement of Action, Venue, and Cause of Action

SECTION 3. Amend­ment of and Supplement to Complaint or Petition. – The complaint or petition may be amended, or sup­ple­mental at any time before a responsive pleading is served or, in case of a reply, at any time within five (5) days after it is served.

After the responsive pleadings have been served, amendments or the filing of supplemental pleadings may be allowed at any stage of the proceedings but before rendition of judgment only upon motion filed with the Adjudicator furnishing copies thereof to the adverse party.

The motion to amend shall indicate the amendment sought to be admitted. In the case of a supplemental pleading, it shall set forth the transactions, occurrences or events which have happened since the date of the pleading sought to be supplemented.” (Binigyang-diin)

Malinaw sa nabang­git na panuntunan na maaaring amyendahan o dagdagan ang reklamo o petisyon na isinampa sa DARAB bago ito sagutin ng kabilang partido. Kung reply naman ang nais ninyong baguhin o dagdagan, mayroon kayong limang araw matapos maipasa ang sagot ng inyong kalaban upang amyendahan ito.

Bukod pa rito, naka­saad din sa nabanggit na panuntunan na kung saka­ling nasagot na ang inyong reklamo ng ka­bi­lang partido, maaari lamang kayong mag-amyenda o magdagdag dito sa pamamagitan ng pagsusumite ng motion na nararapat na ipadala ninyo sa kabilang parti­do bago pa man sa DARAB. Kinakailangan ding ilagay sa nasabing motion ang inyong mga nais na baguhin at ang mga karagdagang impor­masyon o pangyayari mula sa araw kung kailan ninyo nais na dagdagan o baguhin ang inyong pleading.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais na­ming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay naka­base sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­intindi namin dito. Ma­aaring maiba ang opin­yon kung mayroong ka­ragdagang impormas­yong ibibigay. Mas ma­inam kung personal ka­yong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page