top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaalaman tungkol sa pancreatic cancer

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Aug 31, 2019
  • 1 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Namatay ang tatay ko dahil sa pancreatic cancer. Nababahala ako na baka magkaroon din nito ang kuya kong malakas uminom ng alak. Ano ba ang mga sintomas ng kanser sa lapay o pancreatic cancer? — Nap

Sagot

Hindi pa ganap na matukoy ang dahilan ng cancer sa pancreas o lapay. Tinitingnang dahilan ang malakas na pagkonsumo ng alak, sigarilyo at caffeine, pero hanggang ngayon, wala pang kongkretong basehan tungkol dito.

Pancreatic cancer, ano ba ito? Sabi ni Doc

Narito ang ilan sa mga sintomas ng cancer sa lapay:

  • pananakit ng tiyan

  • paninilaw ng balat

  • pagbaba ng timbang

  • masyadong mapula ang ihi

  • hindi matunawan at panghihina ng katawan

Itinuturing ang kanser sa lapay na pinaka-deadly cancer. Fifty percent ng may cancer sa lapay ang nama­matay tatlong buwan makaraan na ito ay ma-diagnosed. Kapag ang cancer ay natuklasan sa advanced stage, maliit na ang tsansang gumaling pa ito.

Radical surgery ang itinuturing na epektibong paraan ng panggagamot kung ang cancer ay hindi pa kumalat sa ibang organ at blood vessels. Sa pamamagitan ng radical surgery, aalisin ang lapay, stomach, bahagi ng bituka, bile duct at spleen.

Mahalagang matuklasan nang maaga ang cancer sa lapay dahil ang maagang pagkatuklas sa cancer na ito ang maghahatid sa paggaling. Ito ay karaniwang tumatama sa mga may edad 35 hanggang 70.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page