top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Imported na bigas, pinatay ang mga magsasakang pinoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2019
  • 2 min read

KAARAWAN ngayon ng pinaka-popular na naging pangulo ng Pilipinas na si dating Pangulong Ramon Magsaysay.

Tulad ni P-Digong, isa siyang “promdi” na nakaakyat sa Malacañang!

◘◘◘

SA sobrang suporta ng mamamayan, nagselos ang mga dayuhan at hindi niya natapos ang kanyang termino dahil sa pagbagsak ng sinasakyan niyang eroplano.

Marami ang hindi makapaniwala na namatay siya sa pagbagsak ng eroplano!

◘◘◘

IPANALANGIN nating makabalik sa Pilipinas nang maayos si P-Digong mula sa China.

Isa siya sa mga ikinukumpara kay Mambo Magsaysay!

◘◘◘

NAGREREKLAMO ang mga magsasaka, bagsak ang presyo ng palay dahil puro imported ang bigas.

Siyempre, buhay ang magsa­saka ng ibang bansa!

◘◘◘

MAS madali nang mapapakyaw ng mga korporasyon ang mga bukirin dahil hindi na ito sapat upang mabuhay nang maayos ang mga magsasaka.

Taliwas ito noong panahon ni ex-P-Marcos, ipinagbawal niya ang kumbersiyon ng rice land patungo sa commercial at industrial use!

◘◘◘

TUTOK si ex-P-Marcos sa pagpapaunlad ng ani kung saan nakapag-export pa ang Pilipinas.

Noong panahon ni ex-P-Mar­cos, nakapagpapaaral ang mga magsa­saka ng kanilang mga anak sa kolehiyo.

◘◘◘

SANDAMAKMAK ang korupsi­yon gamit ang mga magsasaka.

‘Yan ang dahilan kaya pinag-aagawan ang pagiging kalihim ng Department of Agriculture!

◘◘◘

MAGING ang mga nag-aalaga ng baboy, manok at iba pang hayop at gulay na alternatibong income ng mga magsasaka ay hindi na rin nagbibigay ng dagdag-kita sa mga anak-pawis.

Lahat ng ito ay imported at puslit sa Bureau of Customs!

◘◘◘

TANGING peace and order lang ang napagbuti ni P-Digong, pero ang hanay ng mga manggagawa at magsasaka ay patuloy na binabalasubas at ginagawang hampas-lupa.

Walang malinaw na programang pang-agrikultura si P-Digong.

Wala ring malinaw na aksiyon upang saklolohan ang mga pobreng obrero!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page