top of page
Pokwang.jpg

Hirit ni P-DU30 na sa 'Pinas ang wps, tablado kay pres. Jinping

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2019
2 min read

HIRIT NI P-DU­TER­TE TUNGKOL SA WPS, TINABLA NI CHINESE PRES. JIN­PING — Sa kanilang bilateral meeting ay inungkat nina P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping ang tungkol sa arbitral ruling ng Permanent Court of Arbitration na nagsasaad na pag-aari ng Pilipinas ang mga isla at karaga­tan na sakop ng West Philippine Sea (WPS), pero ang masaklap, si­na­bi ng Chinese president na hindi raw nila kinikilala ang hatol ng arbitral court.

Naku, dahil d’yan, baka masira ang friendship nina P-Duterte at Chinese Pres. Jinping, abangan!

◘◘◘

DAPAT GAYAHIN SI REP. VARGAS, ANG PULITIKONG MARUNONG MAG-SORRY—Binatikos ng mga guro ang nakasaad sa “no homework” poli­cy ni Quezon City 2nd Dist. Rep. Alfred Vargas kung saan pagmumulta­hin ng P50, 000 at isa hanggang dalawang ta­ong pagkaka­kulong ang mga guro na magbibigay ng assignment o tak­dang-aralin sa estudyante.

Dahil nabatikos, agad humingi ng pau­manhin si Rep. Vargas sa mga guro at tinanggal ang P50K penalty.

Ganyan sana ang lahat ng pulitiko na kapag nagkamali ay agad humihingi ng pauman­hin, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

BILYONES ANG NA-SCAM, TAPOS P170 MILYON TAX EVASION LANG ANG IKINASO SA MISIS NG KAPA FOUN­DER? —Nag­sampa ng P170 million tax evasion case ang Bureau of Internal Re­ve­nue (BIR) laban kay Reyna Apolinario, misis ni KAPA founder at investment scammer Pastor Joel Apolinario.

Pambihira, bilyones ang iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na na-scam ng mag-asawa sa mga KAPA member tapos P170 milyon tax evasion case lang ang isinampa sa misis ni Pastor Apolinario, buwisit!

◘◘◘

SAKLA NI “WAL­TER”, BALIK-OPE­RASYON SA MUN­TINLUPA CITY—Balik-operasyon na naman daw ang raket na sakla ni “Wal­ter” sa Muntinlupa City.

O, ano, Mayor Jaime Fresnedi at P/Col. Ge­rar­do Umayao, “nga­nga” na lang ba kayo sa panraraket ni “Walter” sa jurisdiction ninyo? Aba, aksiyon na, dali!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page