top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pumana ng 6th at 5th gold sina Tagle at Igot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 2 min read

NAKATIPON ng ika-6 at ika-5 gintong medalya ayon sa pagkakasunod ang dalawang archers na sina Aldrener Igot ng Cebu City at Naina Dominique Tagle ng Dumaguete City sa pagpapatuloy ng 2019 Batang Pinoy National Finals sa RVM Sports Complex sa Puerto Princesa, Palawan.

Naghari ang 14-anyos na si Igot sa olympic round boys na unang nakuha ang gold medals sa events ng 40m, 50m at FITA pati na sa 20m at 30m sa 2nd day ng kompetisyon. “Masaya po kasi nakuha ko po ‘yung pang sixth. Walo po talaga ang target ko sana po ma­­kuha ko,” ayon sa pambato ng Cebu.

Pinataob ni Igot ang pam­bato ng host city na Puer­to Princesa na si Nathaniel Carlos 6-2 sa naturang Olym­­pic round.

Sasabak ngayon si Igot sa mixed events at boy’s team para sa ikawalong gintong medalya.

Ang 11- anyos na si Tagle ay nahakot ang ikalimang ginto matapos na talunin si Shayne Dinopol ng Cebu City sa Olympic round girls Cubs. Nanaig sa mga events na 40m, 50m, FITA at 20m ang batang si Tagle na kapatid ng national team member ng archery na si Nicole Tagle.

Sa athletics, apat na ginto ang nakuha ni Siklab Youth awardee Magrylle Chrause Matchino ng Laguna Province matapos na mag­reyna sa events na 1500m girls (5.05.0), 4x­100m girls (52.4), 2000m steeplechase (7:38.8) at sa 4x400m girls (4.17.3).

Sa gymnastics, dala­wang gold medal ang iniuwi ng kapatid ni Karl Eldrew Yulo na si Elaiza Andriel matapos na magwagi sa individual all around at vault event.

Sa cycling nanaig ang pambato ng Pangasinan Province na si Ruben Dela Cruz Jr. sa MTB event sa tinapos na 7:21.8 sa orasan kahalili ang kakampi na si Raz David Espiritu. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page