Pera at kayamanan, hindi basehan ng kaligayahan

MATATAPOS na ang ghost month.
Papalitan ito ng masasayang araw ng “ber” months!
◘◘◘
ANG buhay ay paikut-ikot lang.
Palipat-lipat, lungkot-saya, tuwa at pighati!
◘◘◘
KUMBAGA, balanse lang ang buhay.
Lahat ng ‘yan ay ating mararanasan.
Walang panay saya, walang panay lungkot!
◘◘◘
KAPAG iisa lang ang iyong emosyon — ibig sabihin, ikaw ay nasa kabilang buhay na.
Sa langit ay walang katapusang saya.
Sa impiyerno ay walang katapusang pagdurusa!
◘◘◘
MAGING sa loob ng Bilibid, hindi panay hirap dito.
Marami rito, mistulang nasa langit!
◘◘◘
ANG nakikita nating tindero at tindera sa kalye ay hindi repleksiyon ng lungkot.
Dahil maaaring pagdating nila sa kanilang barung-barong, kumpleto ang miyembro ng pamilya na nagbibiruan sa harap ng telebisyon na may kani-kanya ring selpon!
◘◘◘
ANG mga super-yaman sa mga exclusive subdivision ay hindi rin repleksiyon ng saya, dahil marami sa kanila ay “aktuwal na magkakahiwalay”, dahil nasa ibang bansa ang mga magulang at kapatid.
Marami sa kanila ay lulong sa sugal, iligal na droga, alak at imoralidad!
◘◘◘
SA bandang dulo, ang saya, lungkot at tagumpay ay hindi nasusukat sa material na bagay.
Ang tunay na kaligayahan ay nakasandal sa iyong sarili mismo at sa loob ng pamilya na tunay na nagmamahalan at nagmamalasakit habang sama-samang nagga-gadget at nagtatawanan!





Comments