Patibayan ang 7 metro school sa 9th UCSAA
- A. Servinio
- Aug 30, 2019
- 1 min read

DALAWANG bigating panauhin ang dadalo ngayong Biyernes sa pagbubukas ng 9th Universities, Colleges and Schools Athletic Association (UCSAA) sa Ynares Sports Arena. Maghahatid saya sina Sen. Manny Pacquiao at Chairman William “Butch” Ramirez ng Philippine Sports Commission (PSC) sa harap ng mga mag-aaral buhat sa 7 paaralan na magtatagisan ng lakas, talino at tibay ng loob sa Basketball, Volleyball, Badminton, Table Tennis at Chess.
Magtatapat sa unang laro sa Seniors ang mga bagong kasapi ng liga na AMA University Titans na tampok si Andre Paras kontra sa Saint Felicity College Blue Jays simula 12:00 ng tanghali. Susundan agad ng Saint Dominic Savio College at STI College sa 2:00 p.m. at WCC-Aeronautical and Technological College at First City Providential College sa 4:00 p.m. May isang laro rin sa Juniors Division sa 10:30 a.m. sa pagitan ng St. Dominic Savio at defending champion First City Providential. Ang ika-7 koponan sa Seniors, ang Don Bosco Technical College-Mandaluyong ay maglalaro sa susunod na araw ng aksyon. Ang mga laro ng UCSAA ay nakatakda tuwing Lunes at Huwebes. Iikot sa mga gym ng AMA sa Quezon City, First City sa San Jose del Monte, Bulacan, Don Bosco-Mandaluyong at STI sa Cainta, Rizal. Ang torneo ay single elimination round robin o anim na laro bawat koponan





Comments