top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Parusang bitay, ibalik!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 2 min read

KUNG may mabuti mang kahihinatnan ang kontrobersiyang makalalaya si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, ito ay makumbinse ang lahat na dapat na talagang ibalik ang parusang bitay sa ating bansa.

Karumal-dumal ang nagawang krimen ni Sanchez na isa rin daw sa mga mayayamang jueteng lord at napakarami raw niyang body­guards kung saan para siyang hari noon sa Calauan, Laguna.

Matatandaang, noong 1993, napan itong guilty dahil sa panggagahasa at pag­patay sa dalawang estudyante ng UP Los Baños.

Sumiklab ang galit ng taumbayan sa krimeng ito. Matapos makahanap ang pulisya ng wit­ness, isinakdal si Sanchez at ang kan­yang mga bodyguard na sangkot din sa ka­rumal-dumal na krimen.

Matapos ang dalawang taong paglilitis, noong 1995, napan sila ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng 30 hanggang 40 taon.

Pero ang problema, dahil sa batas na nai­pasa noong administrasyong Aquino, naka­hanap ang mga abogado ni Sanchez ng lusot para mapalaya siya matapos ang 27 taon ni­tong pagkakabilanggo.

Kaugnay nito, may probisyon daw ang batas ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III kung saan may pag-asang makalaya ang napan dahil “nagpakabait” ito habang nakakulong o Republic Act No.10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Gayunman, mabuti na lang at sumiklab ang isyung ito sa media. Maraming netizens ang nagbalik-tanaw sa kaso, nagalit at talagang nag­susumigaw na huwag palayain ang dating alkalde.

Anong mensahe ang ipaaabot nito sa ta­um­bayan — na puwedeng magbakasakali ang kriminal na gumawa ng karumal-dumal na krimen na hindi niya ito pagbabayaran nang buo?

May responsibilidad tayo bilang bansa na siguraduhing tahimik ang buhay ng mama­mayan.

Tandaan, ang parusang bitay ay hindi kalupitan, ito ay paraan para maturuan ng leksiyon ang mamamayan na hindi sila dapat gumawa ng krimen dahil buhay nila ang ka­palit nito.

Ibalik ang parusang bitay, hindi ito pag­mamalabis sa karapatang-pantao, bagkus, ito ay hustisya!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page