Pa'no kung destiny talaga nila ang isa't isa? GUWAPO AT MAGALING NA AKTOR, ABURIDO AT WEIRD
BLIND ITEM:
KUNG marami ang naiinip sa pagpapakasal ng showbiz couple na matagal nang magkarelasyon, may mga nagmamalasakit naman na kaibigan ng magandang aktres na nagsasabing dapat lang na mag-isip-isip muna ito nang husto kung ang karelasyong aktor na talaga ang gusto niyang makasama at maging ama ng kanyang mga anak.
Oo nga’t guwapo at magaling ding umarte ang aktor at mabait naman daw at marunong ding mag-adjust sa tao, pero may kakaiba itong ugali na kusang lumalabas at hindi niya kayang itago. Madali raw uminit ang ulo ng guwapong aktor kapag nadi-distract ang kanyang atensiyon ‘pag nasa taping. Maikli ang kanyang pasensiya at naaaburido kaagad.
Bago pa ito, marami na rin ang nakakapansin na may pagka-weirdo ang aktor at kung anu-ano na lang ang pinaggagagawa kapag nasa teyping. Nag-i-sketch, nagdo-drawing at kung anu-anong high-tech na games ang kanyang pinagkakaabalahan. Parang hindi pa rin ito ready na magpakasal at bumuo ng pamilya, eh, nagkakaedad na rin ang kanyang GF na aktres.
Wish ng mga kaibigan ng magandang aktres ay huwag ang BF na aktor ang kanyang makatuluyan dahil baka pagsisihan niya ito.





Comments