top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Makikipagpatayan kami laban sa Italya-’ -bolick

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2019
  • 2 min read

NAGTUNGO na kahapon sa China ang Gilas Pilipinas para sa kanilang gagawing pagsabak sa 2019 FIBA World Cup, bukas kontra Italya ng 7:30 p.m. Nag-ensayo pa ang koponan sa huling pagkakataon noong Miyerkules ng hapon kung saan ipinaalam sa kanila at ibinilin ni coach Yeng Guiao ang mga gagawin pagdating nila sa Foshan. Sa kanilang huling ensayo noong Miyerkules ng hapon bago tumulak pa-China, magaan lang at relax ang naging ensayo ng Nationals.

Kabilang na rito ang pag-i-ensayo nila sa hapon pagkarating doon makaraang maibaba ang kanilang mga bagahe at kagamitan at makapahinga panandalian. “Hindi ko ipapahiya yung desisyon ni coach Yeng na isali kami. Ipapakita namin na tama ang naging desisyon niya na pinasok kami na alam ko naman na dahil sa injuries. Ipapakita namin sa kanya na nandito kami para kay coach Yeng. Pakita namin sa kanya na magpapakamatay kami para sa team. Ibibigay namin yung best namin,” wika ng manlalaro na si Robert Bolick. Nakatakda rin silang magsagawa ng dalawang ensayo ngayon, isa sa umaga at isa sa hapon. Kinabukasan araw ng Sabado, magsasagawa rin sila ng light shoot-around sa umaga. “Once we get to China, we’ll start doing really serious work again,” pahayag ni Guiao. “I think we’re ready as ready as we can be.”

Itinakda ang magkakasunod na ensayong nabanggit ayon kay Guiao para masanay ang koponan sa kanilang paligid. “Yung acclimatization period namin is quite short. All the other teams have been in China for the last week or so. So, kami dalawang araw lang,” paliwanag ng Gilas mentor. “Pero I don’t think there’s any question with the time zone or the weather. So I don’t think na matatagalan ‘yung acclimatization namin. That’s my only concern actually,” dagdag pa nito. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page