top of page

Sex education sa elementarya, solusyon sa maagang pagbubuntis ng kabataan

  • Ryan B. Sison
  • Aug 29, 2019
  • 2 min read

Premature birth, kumplikasyon at overpopulation, ilan ang mga ito sa kinahi­hinatnan ng teenage pregnancy. Gayundin, hindi maitatangging nakababahala ang pag­taas ng teenage pregnancy rate sa bansa kung saan ito rin ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng populasyon.

Kaugnay nito, itinutulak sa Kamara na kumilos ang gobyerno para magpatupad ng national policy na pipigil sa lumolobong teen-age pregnancy rate at magpoprotekta sa kabataang babae.

Sa ilalim ng House Bill 2297 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act, inaatasan nito ang National Youth Commission (NYC), Department of Education (DepEd), Depart­ment of Health (DOH) at iba pang ahensiya ng pamahalaan para bumalangkas ng National Program of Action na pipigil sa teenage pregnancy, habang inaatasan ang sektor ng edukasyon na ituro sa mga mag-aaral mula Grade 5 at out-of-school youth ang kompre­hensibong responsableng sex education.

Samantala, nilinaw sa panukala na ang sakop na adolescents ay ang mga nasa edad 10 hanggang 19.

Ang sexually active na adoles­cent ay bibig­yan ng pagkakataon sa moder­nong family planning method na may naa­angkop na coun­seling habang may social pro­tection ang mga teenage mother upang hindi na maulit ang maagang pagbubuntis at ma­ging responsab­leng mga batang magulang.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Au­thority (PSA), noong 2014, mayroong 500 sanggol ang ipinapanganak ng teenage mo­ther kada araw.

Habang lumalaki ang mga bata, hindi natin kontrolado ang kanilang curiosity kung saan posible talagang sumubok sila ng mga bagay-bagay kahit hindi nila alam ang posibleng ka­hihinatnan ng mga ito.

Kaya bukod sa pagtuturo nito sa mga pa­aralan, bilang mga magulang, kasama sa papel natin na gabayan ang ating mga anak nang sa gayun ay hindi sila mapahamak at umako ng malaking responsibilidad na hindi pa nila ka­kayanin.

Kaya ang panawagan sa mga kinauukulan, buksan ang ating isipan para sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page