top of page
Pokwang.jpg

Pramis ni cayetano: walang korupsiyon sa P4.1 trilyong 2020 national budget

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 29, 2019
2 min read

NAGSASAGAWA na ng budget hearing ang Committee on Appropriations.

Itinanong mismo ni House Speaker Alan Peter Cayetano: May pork barrel ang budget sa DPWH?

◘◘◘

TINIYAK ni DPWH Sec. Mark Villar na walang "pork" sa badyet ng ahensiya.

Ito raw kasi ay “line-item” budgeting!

◘◘◘

INIUTOS ni P-Digong na tiyaking walang korupsiyon sa pagbuo ng 2020 National Budget.

Dati-rati, nagkukumahog ang mga kongresista na makasingit ng “pork” habang ginagawa ang budget para sa DPWH!

◘◘◘

GINARANTIYAHAN na mismo ni Speaker Cayetano na “pork-free” ang 2020 National Budget.

Pero, nais pa ring matiyak na wala ang tinatawag na “parking fund”.

Ito ang pondo na isinama sa “lump sum”, pero ipinagbawal mismo ito ng Korte Suprema!

◘◘◘

NATAGALAN ang paglagda ni P-Digong sa 2019 National Budget dahil sa naturang “parking fund”, isang klase ng pondo na sinadyang itengga o ireserba sa hindi matukoy na proyekto sa bawat distrito.

Target na mapagtibay ang proposed budget ngayong Oktubre!

◘◘◘

NILINAW ni Speaker Cayetano na paninindigan nila ang kasunduan: “We will fight corruption”.

Ito ay matapos busisiin ng Kamara ang P4.1 trillion National Expenditures Program (NEP) na isinumite ng Budget Department sa Kongreso para suriing mabuti!

◘◘◘

IBINUNYAG ni Speaker Cayetano na nagkasundo ang mga kongresista na “walang takipan” at sinumang maaktuhang sangkot sa korupsiyon ay ididiretso na agad ang kaso sa Ombudsman.

Gusto nitong maibalik ang reputasyon ng Kamara kaya ang sinumang tiwali ay agad irereklamo sa Malacañang!

◘◘◘

IPINATUTUPAD na ngayon ang “transparency” sa mga deliberasyon sa Kamara.

Ibig sabihin, naka-FB live ang lahat ng pagpupulong kaya walang maililihim sa publiko.

Hiniling ni Speaker Cayetano sa publiko na makilahok at ibunyag agad sa social media ang tiwaling galaw na kanilang nasasaksihan!

◘◘◘

NAKU, magandang mensahe ito sa loob mismo ng Committee on Appropriations.

Sana, maunawaan nila at sundin ang mensaheng ito ni Speaker Cayetano upang mailayo sa kontrobersiya ang 2020 National Budget!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page