top of page
Pokwang.jpg

Power builders, pinalakas ni Pablo sa Premier volley

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 29, 2019
1 min read

NAKAMIT ng Motolite ang ikatlong sunod na panalo makaraang walisin ang Air Force, 25-14, 25-18, 25-23 kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.Matapos makuha ang unang dalawang sets, tila masisingitan pa ang Power Builders ng Lady Jet Spikers sa third frame makaraan silang maagwatan ng anim na puntos ng huli, 15-9 sa pamumuno ni Del Palomata.

Hindi nabuwag ang composure ng Motolite at sa pamumuno ng beteranang power hitter na si Myla Pablo katuwang si Tots Carlos, unti-unti nilang binura ang kalamangan ng Air Force hanggang sa maitabla nila ang iskor sa 18-all.

Naging dikdikan ang hatawan mula roon hanggang sa huling pagtatabla ng iskor sa 23-all matapos ma-block si Carlos ni Angel Antipuesto. Ngunit iyon na pala ang huling puntos sa laro ng Air Force dahil ganap nang tinapos ng Motolite ang laban at inangkin ang tagumpay sa pamamagitan ng magkasunod na kills mula kay Carlos at Isa Molde. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page