top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Pagunsan at que, papalo sa japan tour

Eddie M. Paez, Jr.
Aug 29, 2019
1 min read

KASAMA sina Juvic Pagunsan at Angelo Que ng Pilipinas sa malaking grupo ng mga professional par­bus­ters na nakatakdang maki­paghatawan para makuha ang kampeonato ng 2019 Japan Golf Tour - Rizap KBC Augusta na magsisi­mula ngayong Huwebes, Agosto 29 sa Keya Golf Club ng Itoshima, Fukuoka.

Ang 41-anyos na si Pa­gunsan ay may makinang na rekord sa pagpasok sa tor­neong magkakaloob ng JPY 100,000,000 sa mga mapa­pabilang sa winners’ circle.

Taong 2018 nang puma­ngatlo siya sa bakbakang ito bitbit ang 12-under-par na 276.

Umuusok na 64 ang ipinoste ng Pinoy sa huling round. Ang overall perfor­mance ni Pagunsan ay dala­wang strokes lang ang layo sa nagkampeong si Dai­jiro Izumida ng Japan at isang palo lang ang bentahe sa kanya ng bridesmaid mula sa South Korea na si Ho Sung Choi.

Kamakailan din, nahab­lot ng beteranong si Pagun­san ang runner-up honors sa pagsasara ng sagupaang bi­nansagang Shigeo Naga­shima Invitational SEGA­SAMMY Cup dahil naka­pagsumite ito ng kabuuang iskor na 16-under-par 272 na palo sa malupit na 2019 Japan Golf Tour sa North Country Golf Club ng Chi­tose, Hokkaido.

Pitong birdies (hole nos. 1, 3, 7, 8, 9, 13 at 17) ang naging ar­mas ni Pagunsan, pang-390 sa world rankings at ilang beses na leg titlists ng Philippine Golf Tour, la­ban sa dalawang bogeys (hole nos. 2 at 11) patungo sa final round tally na 67 at makasampa sa podium ng kompetisyong umakit ng may 139 pro golfers mula sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Nauna rito, pumalo ang Pinoy ng 69, 69 at 67 sa unang tatlong yugto ng pa­ligsahan ayon sa pagkaka­sunod sunod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page