top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Miss U, type na type… ALDEN, TODO-FOLLOW AT LIKE KAY CATRIONA SA IG

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 29, 2019
1 min read

UUUUY, tipong may bagong isyung pag-uusapan kay Pambansang Bae Alden Richards kapag nagkataon, ha!

Isang member ng admin ni Alden ang nagtsika sa amin na pina-follow daw ng Pambansang Bae sa Instagram ang Miss Universe na si Catriona Gray.

Yesss, si Catriona Gray na talaga namang nakakaelya ang fezlak kahit na siguro maging gray pa ang buhok nitey, sa true lang.

Lagi raw nila-like ni Alden ang mga posts ni Catriona sa IG account. As in, isa na si Pambansang Bae sa mga likers ni Catriona.

Hmmnnn…. just asking, crush na crush kaya ni Alden itong si Catriona na mala-pusa ang mga mata?

Well, posible lalo’t wala namang nababalitang karelasyon in real life ang tinatawag ngayong Box Office King dahil sa malaking kinita ng pelikula nito with Kathryn Bernardo titled Hello, Love, Goodbye.

‘Yun nga lang, ‘pag sila ang naging magkarelasyon at dahil pareho silang busy, lalo na si Cat­riona na lagi raw out of the country bilang Miss Universe, baka ang laging maging tanong dito ay ang mga katagang sinasambit namin sa tonong patula nu’ng kami ay bata pa that goes… “PussyCAT…PussyCAT where have you been?” Boom, pak na, swak pa, devah?

Well, wish lang namin ay mag-artista na rin itong si Cat­riona at magtambal sila ni Alden sa isang pelikula na pamama­gatan ni yours truly ng Hello, Kitty Love, Take Care.

‘Yun na! Insert smiley

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page