Iloilo coach sa mpbl, pinagmulta


NAPATAWAN dahil sa pagpasok sa court habang on-going ang laro at nakipagtalo sa kalabang player si Iloilo United Royals coach Eric Gonzales ng two-game suspension at P20,000 na multa ng MPBL.
Isang memo ang nilagdaan ni technical head George Magsino na inaprubahan ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes ang inilabas ng team owners at team managers kung saan si Gonzales ay suspendido ng susunod na dalawang laro.
Bagamat walang intensiyon na manakit si Gonzales, bawal umano ang ginawa niya, ayon kay Commissioner Duremdes.
“Coaches should respect the game above all, observed true spirit of sponsorship and lead by example,” saad ni Duremdes sa statement.
Ayon kay Magsino, unang pagkakataon na nangyari sa laro ang ginawa ni Gonzales na hindi tama kaya dapat lang patawan ng multa at suspensiyon.
Sa gitna ng 6:36 minuto ng laro sa pagitan ng United Royal at Stars noong Lunes ng gabi sa San Andres Gym, pumasok si Gonzales sa court habang may laro pa. Pinahinto niya si Dionisio habang naglalaro ito.
Agad na-thrown out si Gonzales sa laro dahil sa unsportsmanlike behavior.
“We don’t want to set a precedent,” ani Magsino. “I know there’s no intention to hurt on the part of the coach, but a coach cannot draw contact with an opposing player, so immediately, we ejected him then studied the sanctions later on “I think the sanction is severe enough. Para huwag gayahin,” dagdag ni Commissioner. (MC)





Comments