Balinas cup, triathlon at esports sa usapang sports


MAGIGING paksa sa usapan ang nalalapit na GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship, ang triathlon at eSports para sa tsansa nila sa 30th Southeast Asian Games maging ang Community Basketball Association 18-under championship sa 37th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club ngayong Huwebes.
Uupo sa diskusyon sina GMs Rogelio Antonio, Jr., John Paul Gomez at Darwin Laylo para sa tatalakaying Balinas Memorial Cup sa Set. 2-10 na idaraos sa Alphaland Place Makati.
Ang tatlong GMs ay sasamahan ni Engr. Tony Balinas, nakatatandang kapatid ng yumaong GM Balinas at Dr. Jenny Mayor, pangulo ng organizing Philippine Executive Chess Association (PECA).
Bisita rin ang triathlon champion na si Maria Claire Adorna at Atty. Ronald Renta at Arniel Gutierrez ng the Philippine National ESport League.
Babanggitin ni Adorna ang paghahanda para sa SEAG, kasama na ang World Beach Games 2019 sa Doha, Qatar sa Oktubre at ang Mt. Mayon Triathlon sa Legazpi City na nilahukan noong Agosto. 19.
Sina Renta at Gutierrez ay magbibigay ng updates sa qualifying tournament para sa esports events sa SEA Games. Sina Russel Ynarez ng Binangonan Spartans at Elven Uy ng Caloocan Hurricane Saints ay dadalo rin sa forum. (MC / Gerard Arce)





Comments