‘No homework’ bill, walang parusa

NILINAW ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na walang itinatakdang parusa sa paglabag sa panukala nitong ipagbawal ang pagbibigay ng homework o assignments sa mga estudyante kung weekend.
Binigyang-diin ni Vargas na hindi maituturing na krimen ang pagbibigay ng homework kaya hindi naaangkop ang anumang kaparusahan.
Paliwanag ng kongresista, nagkaroon ng pagkakamaling teknikal sa nilalaman ng panukalang-batas na nailabas ng kanyang tanggapan sa media.
Sa kabila nito, naninindigan si Vargas na napapanahon pa ring isabatas ang No Homework on Weekends Bill para na rin sa kapakanan ng mga estudyante, guro, magulang at sa lipunan sa kabuuan.





Comments