top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tulad nina Alden at Maine… PAOLO, NAG-OBER DA BAKOD NA RIN SA DOS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2019
  • 2 min read

Natuloy ang guesting ng Kapuso star na si Paolo Ballesteros sa Tonight with Boy Abunda last Monday. Nag-guest si Paolo sa show ng Asia’s King of Talk para sa promo ng latest movie niya na The Panti Sisters.

Ipinalista raw ang mga shows ng ABS-CBN kung saan siya puwedeng mag-guest, pero sa TWBA lang ang naaprubahan.

“Isa lang ang naaprubahan, eh. De­pende kasi sa schedule. Sa show lang ni Tito Boy ang umokey,” lahad ni Paolo.

Kasama kasi sa tatlong producers ng The Panti Sisters ang Blacksheep na independent film arm ng Star Cinema. Producers din ang IdeaFirst Productions nina Direk Jun Lana at Perci Intalan, at ang Quantum Films ni Atty. Joji Alonso.

Join na rin sa bandwagon ng mga Kapuso stars na may movie sa ABS-CBN si Paolo gaya ng mga co-hosts niya sa Eat… Bulaga! na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nagkuwento naman si Paolo sa TW­BA tungkol sa kanyang 10-year-old daugh­ter na si Keira.

Sa Baguio raw nag-aaral si Keira kasama ang ina ng bata, pero kapag bakasyon ay nasa kanya ang anak. Wala naman daw kasi silang problema ng nanay ng bata at magkaibigan naman sila.

“‘Pag nasa bahay sila, may room sila ru’n sa bahay. She can stay any time sa bahay.”

Napakaarte raw ng bata at gusto ring mag-artista, tsika ni Paolo kay Kuya Boy.

“Walang tanung-tanong, gets na niya. Nag-bonding kami niyan, nanood kami ng RuPaul’s Drag Race,” say ni Paolo.

Siya rin daw ang nag-aayos kay Keira kapag may program sa school gaya nitong Linggo ng Wika.

“Pagpasok niya ng school, bonggang-bongga siya. Naka-false eyelashes na maha­habang ganu’n. Mine-makeup-an ko, gustung-gusto naman niya,” aliw na aliw na kuwento ni Paolo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page