Plastic bottle sa kamara, bawal
- Jeff Tumbado
- Aug 28, 2019
- 1 min read

NAIS ng isang kongresista na maipagbawal na ang paggamit ng plastic water bottle sa Kamara.
Sa House Resolution 261 ni OFW Family Rep. Alberto Pacquiao, tinukoy nito ang mga ulat na ang Pilipinas ang ikatlo sa malaking pinagmumulan ng plastic products na itinatapon sa karagatan.
Aabot umano ng 400 hanggang 1,000 taon bago ma-decompose o matunaw ang plastic water bottles.
Karaniwang ibinibigay ang plastic water bottle sa mga kongresista, resource speakers at staff sa mga committee meeting at plenary session at napakarami umano nito kung maiipon at itatapon. Isinusulong ni Rep. Pacquiao na mapasimulan na ang pagbabawal sa plastic bottle na sa halip ay gumamit na lamang ng basong babasagin, stainless at iba pang biodegradable water bottle.
Sa ganitong paraan, hindi na aniya gagastos pa ng pondo ng taumbayan para sa boteng plastik na banta sa kalusugan at kapaligiran.





Comments